MGA PEKENG PRODUKTO NAKUMPISKA NG BOC SA BINONDO

PEKENG PRODUKTO

AABOT sa halos P70 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska sa isang bodega sa Binondo, Maynila.

Ito ay base sa isinagawang operasyon ng pinagsamang puwersa ng Bureau of Customs Intelligence Group (BOC-IG), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kung saan kabilang ang Intellectual Property Rights Division (IPRD) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force NCR-CL.

Bitbit ang isang letter of authority na pirmado ni Bureau of Customs Comm. Rey Guerrero, hinalughog ng awtoridad ang natur-ang bodega kung saan nakita ang mga hinihinalang pekeng produkto.

Ilan sa mga ito ay ang brands gaya ng Silka, Likas Papaya, Spiderman, Hello Kitty, Coach, Long Champ, Cath Kidston, Ane­lo, Louis Vuitton, Lacoste at iba pa.

Ipinadala naman ng awtoridad sa kanya-kanyang brand representatives ang sample ng mga naturang items para maberipika ang authenticity nito.

Posible namang maharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863, o Customs Modernization and Tariff Act ang hindi pa pinapangalanang may-ari ng mga naturang pekeng gamit.

Comments are closed.