NAGDUDUDA ang karamihan sa mga Pinoy sa plano ng World Health Organization (WHO) na isali ang Filipinas sa trial ng mga pinag-aaralang treatment sa COVID-19.
Ayon mga nainterbyung respondents ng Pilipino Mirror, isa sa 100 Filipino ay nagdududa sa totoong intensiyon ng WHO.
Nitong Martes, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na isa ang Filipinas sa napili ng nasabing ahensiya upang pagsagawaan ng trial treatment na tinatawag nilang “monoclonal antibodies.”
Ayon sa DOH, binigyan na ng go signal ng US Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang dalawang “monoclonal antibodies” sa Amerika.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, posibleng gamitin sa mga Filipinong COVID-19 patients ang “monoclonal antibodies” bilang treatment dahil kasali ang bansa sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).
Ani Vergeire, pinag-aaralan ng WHO sa Solidarity Trial therapeutics kung isasali sa clinical trial ang Filipinas kaya at ito na lamang ang hinihintay nila para makakuha ng nasabing gamot.
Kasali ang Pilipinas sa nasabing trials ng WHO, na nagsimula noong Mayo.
Sa ngayon ay hindi pa nagpapasa ng aplikasyon sa FDA ang Filipinas para ma-rehistro sa US FDA-approved na “monoclonal anti-bodies” brands.
Gayunman, maaari umanong magpabilis ng approval sa bansa sakaling mag-apply tayo.
Aminado naman si Vergeire na lahat ng technology for COVID-19 o anumang vaccines ay kailangang sumailalim sa approval ng Ph FAD bago ipamahagi, kahit pa aprobado na ng EUA sa isang bansa.
Ayon sa US FDA, isang laboratory-made protein ang “monoclonal antibodies,”na gumagaya sa kapasidad ng immune system ng tao upang labanan ang mapanirang pathogens tulad ng COVID 19.
Gayunman, matinding pagtutol pa rin ang isinisigaw ng mga mamamayan.
Ayon kay John Carlo Butiong, isang millennial na estudyante, hindi Filipinas ang pinagmulan ng COVID 19 kaya dapat lamang na safe na gamot ang gamitin natin.
Ayon naman kay dating Olongapo Vice Mayor Edic Piano, mas gusto niyang subukan ang Russian made na panlunas sa COVID dahil mas may tiwala siya sa mga Russians na hindi tayo ilalaglag.
Para naman kay Dr. Bayani Santos, iskolar at batikang propesor, payag siyang gumamit ng monoclonal antibodies kung una itong itetesting kay Pangulong Rodrigo Duterte. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.