MGA PINOY GALING INDIA, ‘DI MUNA PUWEDENG PUMASOK SA PINAS

NILINAW kahapon ng Department of Health (DOH) na maging ang mga Pinoy na mula sa bansang India, kung saan nagkakaroon ng surge ng COVID-19 cases sa ngayon, ay hindi na rin muna papayagang pumasok sa Filipinas.

Ang paglilinaw ay ginawa ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko, kasunod na rin ng anunsiyo ng Malacañang na ipagbawal muna ang pagpasok sa bansa ng mga biyahero mula sa India o yaong may travel history mula sa naturang bansa.

Nabatid na magtatagal ang temporary travel ban sa loob ng dalawang linggo o mula Abril 29 hanggang Mayo 14.

“Sa ngayon parang napagdesisyunan that even our fellow Filipinos hindi muna natin papapasukin for this temporary period na sinasabing 14 araw o 2 linggo,” ani Vergeire, sa isang virtual briefing na idinaos nitong Miyerkoles.

“This is just so we can be able to ensure na ma-guard natin ‘yung borders natin. Lahat po yan ita-transmit as advisory especially for fellow Filipinos who would wish to go home coming from this country,” paliwanag pa ni Vergeire.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang naturang Indian variant, na unang na-detect sa India at may mutations sa spike protein nito, ay natukoy na sa 17 bansa.

Tiniyak naman ng DOH na hindi pa nade-detect ang naturang Indian variant sa Filipinas. Ana Rosario Hernandez

9 thoughts on “MGA PINOY GALING INDIA, ‘DI MUNA PUWEDENG PUMASOK SA PINAS”

  1. 613824 953893hi and thanks regarding the particular post ive really been searching regarding this kind of information online for sum time these days hence thanks a great deal 312082

  2. 247751 754092Oh my goodness! an incredible article dude. Thanks a ton Even so We are experiencing concern with ur rss . Dont know why Cannot enroll in it. Can there be any person obtaining identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 313227

Comments are closed.