MGA PINOY HANDANG BUMIYAHE KAHIT WALA PANG COVID-19 VACCINE

MALAKING  porsiyento ng mga Filipino ang handang bumiyahe sa mga local tourist destination sa bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Sa budget hearing ng Department of Tourism (DOT) sa Kamara, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na batay sa kanilang travel survey, 77% ng mga Filipino ang ‘willing’ o handang bumiyahe sa mga tourist spot sa bansa kahit wala pang available na COVID-19 vaccine.

Nasa 48% naman ng mga Filipino ang nagsabing bibiyahe  na sila sa loob ng anim na buwan matapos na luwagan ang travel restrictions.

Samantala, naglaan ng P6 billion ang DOT para sa tourist enterprises and businesses na apektado ng pandemya, P3 billion na cash for work program para sa displaced tourism workers sa ilalim ng Bayanihan 2 at P100 million  naman na ayuda para sa community at regional tour guides.

Aabot naman sa P250 million ang alokasyon para sa tourism circuit marketing upang palakasin ang domestic tourism at promotion ng mga produkto.

Para sa taong 2021, P3.520 billion ang pondo ng DOT kung saan pinakamalaki ang inilaan sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE na P2.868 billion habang P648 million naman sa Personnel Expenses. CONDE BATAC

Comments are closed.