MGA PINOY KUNTENTO SA COVID-19 RESPONSE NG DUTERTE GOV’T —SURVEY

DUTERTE-40

HALOS kalahati sa mga Filipino ang kuntento sa pagtugon ng Duterte administration sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Batay sa resulta ng isinagawang survey ng Blackbox Research firm at Toluna media company, nakakuha ng 49% satisfaction rating ang go-byerno.

Sinasabing sinukat ito sa pamamagitan ng apat na mahahalagang performance indicators na kinabibilangan ng national political leadership, corporate leadership, community, at media.

Napag-alaman din na mas mataas ang nasungkit na rating ng Filipinas kumpara sa mga kalapit na bansa sa Timog Silangang Asya tulad ng Indonesia (48 %), Singapore (48 %), at Thailand (36 %).

Samantala, nakuha naman ng China ang pinakamataas na satisfaction rating  na 8%, sinundan ng Vietnam na nakakuha ng 77%, at India na nasa 59%. DWIZ882

Comments are closed.