LIBRE na ang electronic visa (e-visa) para sa Philippine passport holders na nais magtungo sa Saint-Petersburg at Leningrad sa Russia.
Ayon sa Embahada ng Russia, simula sa Oktubre 1 ay maari nang mag-apply para sa e-visa ang mga Filipino sa dalawang lugar. Hindi na kailangan sa e-visa ng invitation, hotel booking confirmation at iba pang dokumento sa pagkumpirma sa layunin ng biyahe sa Russian Federation.
Aabot ng hindi lalagpas sa apat na araw ang pagproseso ng aplikasyon para rito. Mag-fill out ng application form sa special site ng embahada.
Walong araw lamang ang maaring itigil ng bibisita sa mga nasabing lugar.
Bukod sa Filipinas, nag-aalok din ang gobyerno ng Russia ng libreng e-visa sa 52 mga bansa, kabilang ang Singapore, China, Taiwan and North Korea.