MGA PINOY LIGTAS SA 7.1 MAGNITUDE QUAKE SA CALIFORNIA

Lindol

USA – BAGAMAN hindi pa tapos ang monitoring, inanunsiyo ng Philippine Embassy sa United States of America na walang Filipino ang napaulat na nabiktima sa tumamang 7.1 magnitude na lindol sa Ridgecrest area sa California.

Naganap ang pagyanig gabi ng Biyernes at umaga naman sa Filipinas o alas-11 ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon ng embahada, wala namang naitalang nasawi o nasugatan dahil sa pangyayari.

Nabatid na maraming nai-record na insidente ng sunog makalipas ang malakas na lindol.

Sa record, napakaraming Filipino ang nakabase sa California, kumpara sa ibang state ng US. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM