MGA PINOY LIGTAS SA PAMAMARIL SA VIENNA

DFA

INIHAYAG kahapon ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) na ligtas at walang nadamay na mga Filipino sa naganap na insidente ng pamamaril sa Vienna, Austria.

Ayon kay Executive Director for Strategic Communications Ivy Banzon-Abalos, alinsunod sa naging ulat ng Embahada ng Filipinas sa Vienna, ligtas ang mga Pinoy doon sa naganap na magkakahiwalay na pag-atake.

Nabatid na inatake ng mga armadong lalaki ang anim na magkakahiwalay na lugar sa Vienna na kung saan ay napaulat na isa ang nasawi habang marami ang sugatan sa insidente.

Dahil dito, pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy sa nasabing bansa na sundin ang abiso ng mga awtoridad na manatili lamang sa mga bahay at  huwag munang lumabas. LIZA SORIANO

Comments are closed.