TEXAS CITY – PINAWI ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangamba na may nadamay na Pinoy sa pamamaril sa Texas City, USA kung saan 10 ang nasawi habang 10 iba pa ang sugatan sa mga estudyanteng biktima.
Batay sa ulat ni Philippine Consul General Adelio Angelito Cruz, patuloy ang ugnayan ng kanilang tanggapan sa Filipino community sa lugar.
Sa datos, mayroong 1,994 Pilipino ang nakabase sa Galveston County, kung saan sakop ang Santa Fe High School, ang pinangyarihan ng insidente.
Nadakip na ng pulisya ang 17-anyos na suspek na si Dimitrios Pagourtzis, dating estudyante ng nasabing paaralan.
Gamit ang shotgun at revolver na pag-aari ng kaniyang ama, walang habas na namaril si Paguiztris alas-8:00 ng umaga, oras doon, sa isang art class.
Sinabi ni Texas Governor Greg Abbott na nakatagpo rin sila ng mga pampasabog malapit sa lugar na isang uri ng “CO2 de-vice” at “Molotov coctail”.
Lumalabas sa imbestigasyon na tinangka ng suspek na magpakamatay subalit hindi nito nagawa.
Ang pamamaril sa Texas ay ika-22 sa US school shooting incident sa loob lamang ng limang buwan nga-yong taon. PMRT
Comments are closed.