HAWAII – MULING pinaalalahanan ang mga Pinoy sa dalawang estado ng Big Island dahil sa nag-aalburotong Kilauea volcano.
Una nang pinalikas ang mga residente sa Leilani Estate at Lanipuna Estate dahil sa banta ng panganib na dulot ng nasabing bulkan.
Sa ulat, may dalawang malalaking helicopter ang naka-standby kung may iba pang pamilya na kailangan ilikas sa katabing lugar ng Leilani at Lanipuna Estates dahil sa patuloy na pag-agos ng lava.
Aniya, masunurin ang mga tao sa Big Island dahil ayaw nilang may mangyaring masama sa kanila.
Sa ngayon ay patuloy ang pagdami ng mga nasasaktan dahil sa lumalalang sitwasyon ngayon ng bulkan habang walang Pinoy na napaulat na nasaktan sa nasabing insidente.
Magugunitang may ulat na mayroong dalawang katao ang nasaktan sa nag-aalburutong bulkan kung saan isa rito ang natanggalan pa ng paa.