PASAY CITY – TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulungan ng pamahalaan ang mga Filipino na naapektuhan ng bagyo sa Northern Marianas, isang isla sa Pacific Ocean.
Sinabi ng mga opisyal ng DFA na magpapadala sila ng team sa Philippine Consulate General sa Agana para sa mga isla ng Tinian at Rota, gayundin sa Saipan na sinalanta ng Typhoon Yutu o Typhoon Rosita.
Sa record, nasa 600 Filipino ang nakatira sa Tinian, habang 300 na iba pa sa Rota.
Samantala, dalawang Philippine foreign officials ang nagtungo sa Siapan para tulungan ang may 15,000 Filipino roon.
Sinabi ni Consul General Marciano De Borja, Vice Consul Alex Vallespin at Assistance to Nationals Officer Juliet Simbul, 600 Filipino ang nakatanggap na ng relief assistance sa Northern Marianas, kasama ang nawalan ng tahanan dahil sa bagyo. EUNICE C.
Comments are closed.