MGA PINOY NA MALAPIT SA SOUTHERN BORDER NG LEBANON PINALILIKAS NA

PINAYUHAN ng Philippine Embassy sa Beirut ang mga Pinoy na naninirahan malapit sa southern border ng Lebanon na lumikas na sa gitna ng tensiyon sa lugar.

Sa isang advisory na may petsang Oktubre 17, pinayuhan ng embahada ang mga Pinoy na umiwas sa non-essential travel sa south Lebanon.

“Due to the persistent tension in Lebanon’s southern border posing a significant threat to the safety and security of civilian residents, the Philippine Embassy urges all Filipinos close to the border to evacuate preemptively to ensure their well-being and security,” nakasaad sa advisory.

Hinikayat ng embahada ang mga Pilipino na tawagan sila sa +961 70 858 086 o sa Migrant Workers Office sa +961 79 110 729 para magparehistro at i-update ang kanilang sitwasyon.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi lalagpas sa 100 Pinoy na naninirahan sa northern Israel, na hangganan ng south Lebanon, ang pinalikas na rin sa gitna ng rocket strikes ng Lebanese militant group Hezbollah.

“Sa north malapit sa Lebanon, may kaunting ­Pilipino doon less than a hundred. Pina-evacuate na rin kasi umuulan na ng rockets ng Hezbollah, terror organization sa Lebanon (In the north part of Israel near Lebanon, there are a few Filipinos living, less than a hundred of them. They were told to evacuate because rockets were being fired by the Hezbollah),” wika ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega sa isang panayam sa radyo noong Martes.

(PNA)