MGA PINOY NAKIDALAMHATI SA PAGPANAW NI EX-PRESIDENT GEORGE H.W. BUSH

GEORGE H.W. BUSH-2

WASHINGTON DC, USA – ILANG Filipino ang nakibahagi sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating US President George H.W. Bush, ang ika-41 pangulo ng Estados Unidos.

Mula sa Houston, Texas ay inilipad ang labi ni Bush sa kanyang huling hantungan, ang US Capitol Rotunda.

Nang mamatay si Bush sa edad na 94 noong Biyernes (American time) sa Houston, agad nagbigay ng pahayag ng pagpupugay si US President Donald Trump at sinabing malaki ang naiambag ni Bush sa Amerika kasunod nito ay idineklara ang day of mourning.

Apat na araw nagkaroon ng services para sa burol ni Bush sa Washington kung saan ilang Filipino ang nais na makalapit sa labi ng dating pangulo habang ang mga OFW ay nag-alay rin ng panalangin.

Si Bush ay isang decorated World War II fighter pilot, dating pinuno ng Central Intelligence Agency at naging bise ni dating President Ronald Reagan.

Samantala, ang Secret Service ni Bush ang naging pallbearers habang malungkot na nag-abang ang mga tao kung saan dumaan ang labi ng dating presidente.

Ang labi ni Bush ay ibiniyahe ng presidential Boeing 747 at ayon sa Family spokesman Jim McGrath na ang biyahe ng Air Force One ay “Special Air Mission 41.”  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.