ITINAAS ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang lumalalang sitwasyon ng COVID-19 sa Myanmar upang matiyak ang kaligtasan ng mga natitirang Filipino roon.
Sa ilalim ng Alert Level 4, mahigpit na inirekomenda ng DFA na lisanin o iwan ng mga Pinoy ang Myanmar sa lalong madaling panahon.
Ito’y dahil ang healthcare system ng naturang bansa ay malapit nang maabot ang maximum capacity at maaaring hindi maka-pagbigay ng sapat na atensiyong medikal sa mga Filipinong magkakasakit sa mga darating na linggo.
Ayon sa DFA, maaaring makipag-ugnayan ang mga Pinoy sa embahada ng Filipinas sa Myanmar para sa evacuation flight option.
Para sa kanilang kaligtasan, ang mga Filipino ay hindi papayagang bumalik sa Myanmar habang umiiral ang Alert Level 4.
Habang naghihintay na mailikas, pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy doon na mag-ingat at umalis lamang ng kanilang tirahan kung talagang kinakailangan tulad ng pagbili ng pagkain at iba pang supplies.
Kapag nasa labas, i-practice ang physical distancing, laging magsuot ng face mask at regular na maghugas ng kamay.
Pinayuhan din ang mga Pinoy roon na regular na makipag-ugnayan sa embahada ng Filipinas sa Yangon para sa mga karagdagang impormasyon. LIZA SORIANO
254849 755054I believe one of your commercials caused my internet browser to resize, you may properly want to put that on your blacklist. 136002
370804 570981Genuinely clear internet internet site , thanks for this post. 863412
290424 398292Ive been absent for a whilst, but now I remember why I used to love this internet site. Thank you, I will try and check back much more often. How regularly you update your internet site? 54542
520989 728744Wow, amazing blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look straightforward. The overall appear of your website is amazing, as effectively as the content! 548134
388974 312840I like this post, enjoyed this one appreciate it for putting up. 649719