MGA PINOY SA FRANCE PINAG-IINGAT VS KARAHASAN

france

PASAY CITY – WINARNINGAN na ng ­Philippine authority ang mga Filipino lalo na ang mga overseas Filipino worker laban sa mainit na sitwasyon sa France.

Aasahan umano ang pagsasara ng maraming establisimiyento sa  nasabing bansa sa pagpasok ng weekend, kaugnay nang inaasahang mas malalawak na anti-government protests.

Ayon kay French Prime Minister Edouard Philippe, halos 90,000 police officers ang ide-deploy kasama ang armoured vehicles partikular sa kabisera na Paris.

Ang nakaambang “significant street violence” mula sa mga “yellow vest” protesters ay sa kabila ng pag-anunsiyo ni French President Emmanuel Macron na hindi na muna itutuloy ang plano sa­nang pagtaas sa fuel tax sa kanilang bansa.

Kabilang sa mga pansamantalang pinapa-shutdown sa publiko ay ang mga restaurant, museum, at ang tanyag na Eiffel Tower.

Una nang lumabas ang report na nakipagkasundo si Prime Minister Philippe sa mga raliyista ngunit pinapatiyak na matitigil na rin ang death threats mula sa mga extremist.        AIMEE ANOC

2 thoughts on “MGA PINOY SA FRANCE PINAG-IINGAT VS KARAHASAN”

Comments are closed.