MGA PINOY SA INDIA HINIKAYAT MAGNEGOSYO

DTI-INDIA

NAGSAGAWA ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Philippine Trade and Investment Center – New Delhi ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) se­minar noong nakaraang Agosto 30 sa ITC Maratha Hotel, Mumbai, India.

Si Philippine Ambassador to India, H.E. Ramon Bagatsing, Jr. ang nagbigay ng opening remarks  kung saan nagpasalamat siya sa mga programa ng DTI, lalo na sa pag-abot sa mga Pinoy sa ibang bansa upang isulong ang pagnenegosyo.

Dinaluhan ng mahigit 100 would-be entrepreneurs, hinikayat ni Commercial Attaché Jeremiah C. Reyes ang mga Pinoy sa Mumbai na maghanap ng  oportunidad sa negosyo at ibahagi ang mga programa ng DTI na maaaring makatulong sa future entrepreneurs, kabilang ang mga hakbang sa pagtamo ng isang entrepreneurial mindset.

Nagbigay si Glenda Victorio ng Brilliant Skin Essentials ng inspirational message sa Filipino community at ibinahagi ang kanyang  success story sa pagpasok sa negosyo. Sa kasalukuyan, ang Brilliant Skin Essentials, Inc. ay isang  player sa beauty and cosmetics industry sa Filipinas, at nag-eexport sa maraming bansa sa ASEAN.

Ang TNK Seminar ay idinaos sa sidelines ng Philippine Trade Mission sa Mumbai, India, sa ­pangunguna ng DTI Export Marketing Bureau, sa pakikipagtulungan sa ­Philippine Trade and Investment Cen­ter – New Delhi.

Comments are closed.