MGA PINOY SA INDONESIA TINUTUTUKAN MATAPOS ANG MALAKAS NA LINDOL

PATULOY na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon ng mga Pilipino na nasa West Java, Indonesia.

Kasunod ito ng naitalang magnitude 5.6 na lindol kung saan mahigit 100 indibidwal ang napaulat na nasawi.

Sinabi ng DFA na wala pa silang nakukuhang ulat kung may nadamay na Pinoy sa malakas na lindol.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa embahada ng Pilipinas sa Indonesia at pinaaalalahan ang mga Pinoy doon na mag-ingat sa epekto ng aftershocks. DWIZ 882