MGA PINOY SA ISRAEL INILIKAS NA

KAAGAD na nai-evacuate ang mga Filipino na nakatira sa tatlong lugar sa Israel na apektado ng bombahan ng mga awtoridad dito at ng Hamas militants.

Ipinabatid ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na kaagad naikasa ng mga opisyal ng embahada ng bansa ang contingency measures nito para mailayo na ang mga Pinoy sa Ashkelon, Ashdod at Gaza strip kung saan pinakamataas ang tensiyon.

Tuloy tuloy pa rin ang in country evaluation nila sa sitwasyon sa mga nasabing lugar partikular ang Gaza strip lalo na mula rito patungong Tel Aviv.

Iniulat din ni Cacdac na walang nasugatan o nadamay na Pinoy sa nasabing kaguluhan sa Israel. DWIZ882

3 thoughts on “MGA PINOY SA ISRAEL INILIKAS NA”

Leave a Reply

Your email address will not be published.