MGA PINOY SA ISRAEL MULING PINAYUHANG MAG-INGAT

israel

TEL AVIV – MULING pinaalalahanan ng Filipinas ang mga Filipino na nasa Israel  na mag-ingat bunsod ng muling umiinit na sigalot sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militants sa Gaza.

Sa ulat, mayroong 29,400 Filipinos sa nasabing bansa na karamihan ay pawang caregivers.

Sa muling labanan, sinabihan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang Filipino community na iwasan ang crowded places, na maaaring target ng pag-atake at sundin ang safety advisories  na inilabas ng local at national Israeli authorities.

“Filipinos were advised to avoid public places, particularly in Netivot, Sha’ar Hanegev, Ashkelon, Eshkol, Ashdod, Sderot, Beersheba, and other areas near Gaza, the West Bank, and the Golan Heights,” ayon sa paha­yag ng Department of Foreign Affairs.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.