MGA PINOY SA ISRAEL PINAIIWAS SA WEST BANK

NAGPAALALA  ang Philippine Embassy in Israel sa mga Pilipino na iwasan muna ang pagbiyahe sa West Bank sa nasabing bansa.

Ito ay kasunod ng nanatiling tensiyon sa nasabing lugar sa pagitan ng Israeli security forces at Palestinian militants simula pa noong nakaraang buwan.

Sa inilabas na pahayag ng embahada, pinayuhan nito ang mga Pinoy na maging maingat at mapagmatyag sa paligid at iwasan o ipagpaliban ang pagpunta sa nasabing rehiyon.

Gayundin sa mga lugar ng Jerusalem, simula Abril 21 hanggang Mayo 3; Temple Mount; Damascus Gate; Herod’s Gate; Al Wad Road; Musrara Road; at paligid ng “East Jerusalem”.

Nabatid na halos 152 Palestinians ang sugatan sa loob ng Jerusalem’s Al-Aqsa Mosque compound noong nakaraang linggo matapos ang nangyaring riot laban sa Israeli Riot Police at nito lamang Abril 22 kung saan sugatan din ang 57 na Palestinians. DWIZ882