HINIKAYAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Lebanon na umuwi na sa gitna ng umiigting na border tensions sa pagi- tan ng Israel at Hezbollah.
“We’d like all Filipinos in Lebanon to consider going home,” pahayag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa CNN Philippines.
Dagdag pa ni De Vega, “it’s just a matter of time” bago isailalim ng Philippine government ang Lebanon sa Alert Level 3, na nag-aatas ng voluntary repatriation ng mga Pilipino roon.
“We are doing this because the situation is rather tense and we al- ready have seen it years ago in 2006 when we had to repatriate Filipinos from Lebanon,” paliwanag ni De Vega.
Aniya, ang desisyon ay naghihintay na lamang ng pirma ni DFA Secretary Enrique Manalo.
Ayon sa embahada, may 3,000 Pilipino sa southern Lebanon — 67 ay naninirahan sa southernmost portion, sa hangganan ng Israel.
Hindi inalls ni De Vega ang posibilidad na itaas sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa Lebanon.
“If there are actually deaths occurring already in Lebanon, we will raise it to Alert Level 4. Right now the situation is tense but there’s no state of war yet in Lebanon,” aniya.
Binigyang-diin ni De Vega na may sapat na pondo ang gobyerno para pauwiin ang mga Pilipino.
Mayroon din aniyang contingency plan na ipinatutupad sa Beirut, kabilang ang communication at coordination mechanisms, evacuation scenarios, at paghahanda ng mahahalagang supplies.