USA – PINAYUHAN ng mga opisyal ng embahada ng Filipinas sa Estados Unidos ang mg Pinoy na apektado ng wildfire na tumama sa South California.
Ito ay kasunod ng ulat na mahigit na sa 21,000 katao ang inilikas dahil sa patuloy na paglagablab ng apoy.
Ang mandatory evacuation ay inilabas dahil sa banta nang tinaguriang Holy fire sa maraming kabahayan sa paligid ng Lake Elsinore sa Orange County.
Ang naturang sunog na isa lamang sa marami pang iba sa estado ay sumira na sa 19,000 acres ng kagubatan sa north side ng San Diego.
Una rito, isang suspek na sinasabing nagpasimula ng Holy fire ang nahaharap sa kasong arson.
Mahigit na sa 600 firefighters ang walang humpay na inaapula ang Holy fire na kabilang lamang sa 18 wildfires sa iba’t ibang bahagi ng California.
Ang tinatawag na Mendocino Complex fire ay una nang idineklarang “largest in state history” at nilamon na ang 290,692 acres.
Sa pagtaya ng mga bumbero, inaasahang tatagal pa ito ng isang buwan.
Ang isa pang sunog na binansagang Carr fire sa north side ay pumatay na sa pitong katao at sumira sa 1,500 na mga istruktura.
Nag-reinforce na rin ang mga US army personnel at mahigit sa 1,000 mga bilanggo na sumusuweldo ng $1 kada oras.
Maging ang mga bombero mula sa Australia at New Zealand na beterano na pagdating sa mga bush fires ay tumutulong na rin. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.