MGA PINOY SA SOUTH KOREA BIBISITAHIN NI DUTERTE

PANGULONG DUTERTE

TUMULAK na pa-South Korea si  Pangulong Rodrigo Duterte upang pagtibayin pa ang ugnayan ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Positibo si  Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, na lalagdaan ng dalawang bansa ang apat na kasunduan kaugnay sa kalakalan, agrikultura,  science and technology at pagprotekta sa kalikasan.

Kukumustahin  din ng Pangulo ang Filipino community sa nasabing bansa. May 68,000 Pinoy ang nasa South Korea.

Hindi naman kasama sa official agenda ng Pangulo ang isyu sa North Korea.

Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang itinalaga ng Pangulo bilang OIC ng pamahalaan  habang siya ay nasa South Korea.

One thought on “MGA PINOY SA SOUTH KOREA BIBISITAHIN NI DUTERTE”

Comments are closed.