MGA PINOY SA TAIWAN TINIYAK NA LIGTAS

INIHAYAG  ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman and Resident Representative Silvestre Bello III na ligtas ang mga Pinoy sa Taiwan.

Ito ay sa kabila ng ulat na umiinit ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Tiniyak ni Bello na pinabantayan ng pamahalaan ang kapakanan ng mga OFW sa Taiwan.

“So we would like to assure you, everyone. I’ll take this opportunity to inform you in Taiwan everything is normal and, if in the remote possibility na magkaroon ng emergency situation, like for example earthquake, mga lindol o even war, preparado po ang Taiwan government not only in protecting their own people but even the Filipinos, especially our workers,” pahayag ni Bello.

Ayon kay Bello, tiniyak ng National Police Agency ng Taiwan na may sapat na proteksyon at seguridad ang mga Filipino roon.

Nakipagkita si Bello sa Director General at head ng Home Civilian Defense of Taiwan and at tiniyak na ang mga kababayan ay protektado nila.

Mayroong 89,000 shelters ang Taiwan na kayang i-accommodate ang higit pa sa total population nito.

Nasa 90 porsyento ng factories sa Taiwan ay pinangangasiwaan ng mga manggagawang Filipino.

Sa ngayon, nasa 160,000 na Filipino ang nagtatrabaho sa Taiwan.Karamihan ay mga highly skilled teachers, farmers, at mga manggagawa sa hospitality industry. RIZA Z