HALOS lahat ng Filipino ay umaasa na magiging maganda ang kanilang kabuhayan maging ang takbo ng bansa ayon sa ginawang pag-aaral ng Social Weather Station bago mag-New Year.
Sa isinagawang survey ng SWS nitong nakalipas na Disyembre 2018 lumilitaw na 92 porsiyento ng mga Filipino ay positibo pa rin ang pananaw na malaki pa rin ang pag-asa ngayong 2019.
Bagama’t bahagyang bumaba ito ng apat na puntos mula sa 96 percent na naitala noong pagpasok ng 2018 kumpara ngayong Bagong taon ay mara-mi pa rin ang nagsasabing may pag-asa pa.
Batay sa survey ng SWS noong Disyembre 2018 lumabas na 92-percent ng 1,440 na respondents ang may positibong pagtingin sa pagsalubong sa Bagong Taon. Habang 8-percent ang umaming may takot.
Sa inilabas na pahayag ng SWS, halos hindi naman nagbago ang porsiyento ng mga Filipino na may positibong pag-asa sa Bagong Taon mula nang simulan nila ang taunang survey rito noong 2000. VERLIN RUIZ
Comments are closed.