SUPORTADO ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang panawagan na armasan na ang government prosecutors partikular na iyong mga humahawak ng mga high profile na kaso at mga may pagbabanta sa buhay.
Gayunman, inamin ng kalihim na wala silang pondo sa kasalukuyan para ipambili ng mga armas na kanilang gagamitin.
Ang pahayag ay ginawa ni Guevarra matapos ang pananambang noong nakaraang Biyernes kay Quezon City Deputy Prosecu-tor Rogelio Velasco at sa hindi pa nareresolbang pagpaslang sa mga prosecutor mula pa noong 2016.
“Yes, I will support prosecutors getting firearms for self-defense,” ayon kay Guevarra.
“I wish we could with bulletproof vehicles to boot but we have to live within our means, and just do our job well,’’ dagdag pa ng kalihim.
Una nang iniutos ni Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing im-bestigasyon sa pagpaslang kay Velasco na nagmamaneho ng kanyang kulay pulang Innova sa may Ba-rangay Holy Spirit noong Mayo 8 nang atakihin ng mga hindi nakikilalang gunman. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.