(Pagpapatuloy…)
Ang Pinya Festival sa Calauan Laguna, ang Manggahan Festival sa Guimaras, ang Pattaradday Festival sa Mindanao, ang Nueva Ecija Festival, at ang Flores de Mayo, isang buwang pagdiriwang upang magbigay-pugay sa Mahal na Birheng Maria at ipinagdiriwang bilang bahagi ng Santacruzan o prusisyon na ginaganap sa huling araw ng Flores de Mayo—lahat ng ito ay patunay na sadyang masigla at mayamang ang pamana ng ating lahi. At, ang lahat ng nabanggit ay magaganap ngayong buwan ng Mayo!
Ang relihiyon ay isang mahalagang aspeto na konektado sa mga pagdiriwang na ito dahil ang mga pista kadalasan ay pagpapahayag ng ating pananampalataya. Maging ang sayaw ng debosyon sa Obando Festival man ito o ang masayang pagdiriwang ng Santacruzan, ang mga festivals ay nagbibigay-pugay sa ating mga santong patron at nagbibigay rin ng pagkakataon upang ang tao ay manalangin.
Ang mga pista at pagdiriwang na ito ay tila ba mga tanikala na nagbubuklod sa atin sa paninindigan, pagkakaisa, at pag-asa. Habang tayo ay nagtitipon-tipon kaisa ang ating mga kapamilya at kaibigan, subukan nating pahalagahan ang yaman ng ating mga tradisyon.
Para sa maraming pamilyang Pilipino, ang mga pagdiriwang na ito ay hindi lamang simpleng pagtitipon. May mas malalim na kahulugan ito para sa marami sapagkat ito’y nagsisilbing pagkakataon upang makasama ang mga mahal sa buhay. Ang mga pagdiriwang na ito ay nagiging espasyo kung saan napapatibay ang mga ugnayan at nabubuo ang maraming magandang alaala.
Sa gitna ng ingay at kaguluhan, sa gitna ng bawat pagtitipon sa pagkain, musika, at mga usapan, tiyak na makakahanap tayo ng mga sandaling puno ng saya at kahulugan.. Nawa’y maging isang buwang hindi malilimutan ang Mayo na ito para sa ating lahat!