MGA POSITIBONG HAKBANG SA IYONG INCOME NGAYONG PANDEMYA

AWAT na sa reklamo na hindi ka makalabas dahil limitado ang galaw at hindi basta makapag-shopping galore o kaya naman ay makapag-bonding sa iyong dabarkads ng hanggang madaling araw.

Amiga at amigo, maganda rin ang ganyan kung ikaw ay mahilig mag-save ng iyong kita.

Dahil limitado ang iyong paglabas, nakatitipid ka sa iyong gasolina, sa iyong oras at higit sa lahat sa iyong pera.

At dapat nang samantalahin dahil ang natitipid mong pera ay maaari mong itabi.
Hindi mo napapansin nakaiipon ka na at magugulat ka na lang, kaya mo nang bilhin ang hangad mong gadget o kagamitan.

Kung ikaw ay isang utak-negosyo, aba may pampuhunan ka na, kahit pa pandemya.

Maari mo ring i-time deposit ang iyong naipong pera para sa mas mataas na interes at kung ikaw ay risk-taker puwede kang kumuha ng sapi o shares sa mapagkakatiwalaang investment.

Kaya, huwag basta negatibo ang tingnan ngayong kuwarantina, dahil ang tao ang highest form of creature kaya nating maging positibo sa sitwasyong negatibo.

Enough na ang daing na hindi ka makagalaw, sa halip gawing kapaki-pakinabang ang iyong natitipid na pera at panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *