EPEKTIBO ang mga inilatag na programa ng gobyerno bilang pagtugon sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team, marami mang hamon sa simula ng pandemya ay nalusutan naman ito ng bansa sa pamamagitan ng bakunahan at pagtutulungan ng bawat isa.
Katunayan aniya ay kabilang ang Pilipinas sa mga mayroong magandang pandemic COVID situation sa Southeast Asia.
Gayunman, inirekomenda ng OCTA na ituloy pa rin ang operasyon ng One Hospital Command Center at iba pang mga programa na may kaugnayan sa pagtugon sa COVID-19.
Samantala, ang mababang rate ng mga isinasailalim sa testing ang nakikitng dahilan kaya’t mababa rin ang mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Ito ayon kay Dr. Butch Ong, Fellow ng OCTA Research Group.
Sinabi sa DWIZ ni Ong na karamihan sa mga nagkakasakit ay mayroong mild symptoms ng COVID-19.
Ipinabatid ni Ong na mataas ang positivity rate at mababa ang reproduction number subalit hindi ito nangangahulugang wala nang COVID kaya’t dapat pa ring mag-ingat ang lahat.