MGA PROVINCIAL DIRECTOR SA REGION 2 ISINAILALIM SA DRUG TEST

DRUG TEST-3

CAGAYAN – MAKARAAN ang surprise drug test sa 66 police generals sa Camp Crame noong isang linggo na pinangunahan mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa noong isang linggo, sumunod naman sa nasabing test ang mga provincial director sa Region 2 alinsunod sa utos ni PBGen. Angelito Casimiro, ang kailang regional director.

Ang nasabing drug test ay bahagi ng ginagawang internal cleansing sa hanay ng PNP sa buong bansa kaugnay sa kampanya sa droga.

Pinangunahan at sinaksihan ni Casimiro ang nasabing aktibidad sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Batanes.

Pinuri naman ni PCol. Ariel Quilang, director ng PNP-Cagayan, ang naturang hakbang upang matukoy kung sino ang mga miyembro ng PNP na gumagamit ng ilegal na droga. IRENE GONZALES