MGA PROYEKTO NG BARANGAY AT SK MAISASAKATUPARAN

BONG GO-2

INAASAHAN ni Senador Bong Go na maisasakatuparan ng mga barangay official at Sangguniang Kabataan ang kanilang mga proyekto para sa kanilang mga nasasakupan.

Ito ay kasunod ng pormal na paglagda ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa pagsasabatas ng  pagpapaliban ng barangay at SK elections sa Disyembre 5, 2022.

Nauna nang isinulong ni Go ang pagpapaliban sa dapat sana ay SK at barangay elections sa May 2020 upang mabigyan ng mas mahabang oras ang mga nakaupong  opisyal na maisakatuparan ang kanilang mga programa at proyekto.

Bunsod ito ng napakaikling termino ng mga kasalukuyang nakaupong SK at barangay officials dahil sa ilang beses na pagkakaantala ng  eleksiyon noong mga nakaraang taon.

Anang senador, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga barangay at SK officials sapagkat ang mga ito ang  frontliners ng gobyerno dahil sila ang nangungunang nakasasalamuha ng mga mamamayan sa komunidad. VICKY CERVALES

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *