PLANO ng Philippine National Police (PNP) na pag-aralin ang kanilang mga tauhan ng Mandarin.
Ito ay upang mas mapabilis ang pagresolba sa tumataas na kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese sa bansa.
Sinabi ni Lt. Col. Elmer Cereno, spokesperson ng Anti-Kidnapping Group, nagkakaroon ng language barrier sa mga pulis na rumeresponde sa mga krimen.
Nagrereklamo umano ang mga Chinese kaya kinakailangan pa nilang magbayad ng mga interpreter para sa kaso.
Nakasalang na sa susunod na buwan ang tatlong tauhan ng AKG na mag-aaral ng Mandarin sa China.
Comments are closed.