CAMP CRAME – DUMARAMI ang bilang ng mga pulis na inirereklamo ng kanilang mga kabit at hiniwalayang asawa dahil sa “economic abuse” o hindi pagbibigay ng financial support.
Ayon Kay Brig. Gen. Gerry Galvan, hepe ng inspection and audit division ng PNP Internal Affairs Service (IAS), napansin nila ang pagtaas ng bilang ng mga babaeng nanghihingi ng pinansiyal na suporta sa mga pulis, mula nang dumoble ang kanilang sahod.
Ang mga reklamo ay pinadadala nila sa Women and Children protection Center (WCPC) para sa kaukulang aksiyon.
Nakapagtala ang WCPC ng 301 mga reklamo ng “economic abuse” laban sa mga pulis noong 2018.
Mas mataas ito ng 40 porsiyento sa 215 kaso noong 2017, bago dumoble ang sahod ng mga pulis.
Ayon kay WCPC director Brig. Gen. William Macavinta, nakaiwas sana ang mga pulis na ito sa kaso kung naging responsable lang sila at inalagaang mabuti ang kanilang mga pamilya, at kabit, at maging mga anak sa labas. REA SARMIENTO
Comments are closed.