MGA PULIS NA SUMAWSAW SA ELEKSIYON KAKASUHAN

albayalde

AASUNTUHIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na naging bias at nakialam sa political activities mga kandidato.

Ayon kay PNP chief P/Gen Oscar Albayalde, isasalang niya sa imbestigasyon ang may 1,000 pulis na inaakusahang naging partisan nitong nakalipas na May 13 midterm election.

Sinasabing ang ilan sa mga pulis ay kumilos o palihim na kumilos  para maimpluwensiyahan ang kandidatura ng kanilang mga kamag-anak, mga sponsor o kaibigan.

Sa nasabing pulong balitaan, magsasagawa ng pagsisiyasat ang PNP hinggil sa pagkakasangkot umano ng mahigit-kumulang 1,000 partisan politics.

Nabatid na may ilan ding pulis ang nagsilbi umano bilang security aide ng mga kandidato, may umaktong private armed groups ng ilang kandidato.

Siniguro din ni Albayalde na-i-relieve at isailalim ang mga ito sa  imbestigasyon.

Magugunitang ­ilang  araw bago pa  ang halalan ay nauna nang sinampahan ng reklamo ang ilang tauhan ng PNP dahil sa pagpanig sa ­ilang mga politiko lalo na sa mga lokal na elective post. VERLIN RUIZ

Comments are closed.