INALIS na kahapon ang pagbabawal sa pagdadala ng mga bottled water o anumang inumin sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) kasabay nang panghaharana ng mga pulis Quezon City para sa araw ng mga puso sa MRT Line 3 Cubao Station.
Ikinamangha ng maraming pasahero ang kanilang naabutan sa estasyon ng tren kung saan kumakanta ang mga pulis sa saliw ng banda.
Hindi lamang mga dalaga ang kinilig kundi maging ang mga misis na may edad na matapos silang abutan ng bulaklak at isinayaw pa ng mga matitikas na pulis sa saliw ng malamyos na musika. MA THERESA BRIONES
Comments are closed.