MGA PULIS NATANGGAP NA ANG MIDYEAR BONUS

Bonus

CAMP CRAME – NATANGGAP na ng 195,561 pulis kasama na ang non-uniformed personnel ang kanilang midyear bonus.

Ayon sa PNP Finance Service sa ilalim ni PBGen Joselito M. Vera Cruz, nai-release na ang pondo na nagkakahalaga ng P6,388,730,726.46  para sa midyear bonus ng mga pulis na ang bawat isa ay makatatanggap ng katumbas na one month basic salary.

Sinabi ni Vera Cruz, gaya ng nakasanayan, idinaan sa ATM payroll  ang midyear bonus na maaaring kunin sa Land Bank of the Philippines.

Paglilinaw naman ng heneral na kung ang isang pulis ay may pending administrative and criminal cases ay naka- defer ang midyear bonus nito.

Sinabi ni PNP Spokeperson, Police Colonel Bernard Banac, na ang pagbibigay ng midyear bonus ay naglalayong maitaas ang morale ng pulisya. EUNICE C.

Comments are closed.