NILINAW ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na hindi nila ipinagbabawal sa kanilang mga tauhan ang paggamit ng Tiktok
Gayupaman, sinasabing bukas o welcome sa PNP na pag-aralan ang panuntunan na ipinatutupad ng AFP kaugnay sa paggamit ng nasabing social media application.
Ayon kay Acorda, wala pa naman silang kahalintulad na panuntunan gaya ng sa AFP.
“With regards to the paggamit ng Tiktok privately, ‘yung ating personal as long as it is not degrading our uniform walang problema,” ayon kay Acorda.
Una nang nilinaw ng AFP na matagal na nilang ipinatutupad ang Tiktok ban at ito ay applicable lamang sa mga AFP issued gadgets na konektado sa military network.
Nakabase umano ito sa isinagawang research sa Estados Unidos kung saan lumalabas na oras na i-download ang nasabing app ay tila may nagmomonitor na sa aktibidad ng isang indibidwal sa pamamagitan mismo ng kanyang gadget.
“Well with regards to the company issued cellphone wala tayong policy, but nevertheless with regards to the security issue na niri-raise ng AFP . we are evaluating it all.” dagdag pa ni Acorda.
EUNICE CELARIO