CAMP CRAME – NILINAW ni Philippine National police chief, Director General Oscar Albayalde na pangangalaga lamang sa seguridad at pananatili ng kaayusan sa paligid ng Senado kaya may presensiya ng mga pulis doon.
Aniya, walang “unusual” sa presensiya ng mga pulis sa lugar dahil layunin nito na masupil ang anumang banta ng kaguluhan, masingitan ng mga masasamang element o ng mga nais na manabotahe at magsamantala sa sitwasyon.
Pahayag ni Albayalde, layon lamang ng PNP na mapanatili ang peace and order sa vicinity ng senado para maiwasan na may mga indibidwal na makasingit at mag take advantage sa sitwasyon.
Inihayag din ng PNP chief na nakahanda ang pulisya sakaling may utos na arestuhin si Sen. Antonio Trillanes IV.
Kasalukuyang ginagawang santuwaryo ni Trillanes ang Senado at mananatli umano ito hangga’t hindi naglalabas ng TRO ang Korte Suprema. VERLIN RUIZ
Comments are closed.