MGA PULIS, ‘ WAG MAKIALAM SA COMMUNITY PANTRIES!–AÑO

DILG Secretary Eduardo Año-3

IPINAHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na wala siyang inilalabas na kautusan sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan o pakialaman ang mga community pantries na itinatayo ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa upang matulungan ang mga taong apektado ng COVID-19 pandemic.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Año matapos na ibulgar ni Ana Patricia Non, ang organizer ng orihinal na community pantry sa Quezon City na tinatawag na ‘Maginhawa community pantry,’ ang ginawang pagkuwestiyon sa kanya ng tatlong pulis na nais umanong kunin ang kanyang contact number at inaalam maging ang organisasyong kanyang kinabibilangan.

Dahil sa pangyayari ay nagsuspinde na rin muna ng operasyon ang Maginhawa community pantry at humingi na rin si Non ng tulong mula kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“Natatakot po ako maglakad mag-isa papunta sa community pantry ng alas-5:00 ng umaga dahil po sa walang basehang paratang sa amin. Gusto ko lang po talaga makatulong at sana po ay huwag niyo masamain,” ayon pa kay Non sa isang Facebook post.

“Malungkot po dahil hindi muna maipapamahagi ang goods na inihanda namin buong maghapon dahil po sa #RedTagging na nagaganap. Magbigat sa pakiramdam ko kasi maganda po ang intentions ko noong binuo ko ang #CommunityPantry at ilang araw na din po na napakaraming pinagsisilbihan nito at ganu’n din po ang tulong na dumadating,” ani Non.

“Sigurado po maraming tao po ang pipila sa amin bukas pero kailangan po muna nila maghintay sa susunod na araw bago po ito maipamahagi. Lalo na po at nagkaproblema kanina ang ibang Community Pantry sa mga kapulisan,” giit pa nito.

Paglilinaw naman ni Año, wala siyang anumang ganitong kautusan sa PNP.  “I have not ordered the PNP to look into the community pantries around the country,” ani Año, sa isang pahayag.

Ipinaliwanag ni Año na ang community pantry ay matagal nang tradisyon sa bansa, bilang bahagi ng kultura at ispiritu ng Bayanihan, lalo na sa panahon ng kalamidad at disaster ngunit iba iba lang aniya ang pangalan nito.

Binigyang-diin ni Año na ang mga ganitong gawain, basta’t mabuti ang intensiyon at walang bahid politika, ay hindi dapat pakialaman at sa halip ay hikayatin at suportahan pa nga.

Inihayag pa ng kalihim na dahil ito’y kusang-loob lamang at isang pribadong inisyatiba, ang dapat lamang  gawin ng mga awtoridad ay tiyaking nasusunod ang minimum health standards sa mga community pantries. EVELYN GARCIA

5 thoughts on “MGA PULIS, ‘ WAG MAKIALAM SA COMMUNITY PANTRIES!–AÑO”

  1. 211912 397279Hello there. I needed to inquire some thingis this a wordpress website as we are thinking about transferring across to WP. Moreover did you make this theme all by yourself? Cheers. 511078

  2. 798549 155810This really is sensible info! Where else will if ind out more?? Who runs this joint too? sustain the excellent function 275686

Comments are closed.