MGA PULITIKO PINAALALAHANAN SA HEALTH PROTOCOLS

NAGPAALALA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga pulitiko sa bansa, kasabay ng nalalapit na pagdaraos ng 2022 elections.

Ayon kay NCRPO spokesperson police Lieu­tenant Colonel Jenny Tecson, dapat maging res­ponsable ang mga ito sa pagpapatupad ng health protocols kontra CO­VID-19.

Pag-amin pa ng opisyal, marami silang natatanggap na sumbong hinggil sa hindi tamang pagsusuot ng facemask gayundin ang walang distansya sa bawat kampanya.

Kaya naman pakiusap ng NCRPO na huwag ilagay sa alanganin ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga tagasuporta

Maliban sa pagbabantay sa krimen tuwing halalan, patuloy rin ang paalala na NCRPO sa mga hindi sumusunod sa health protocols. DWIZ882