MAGKA-LOVE team lamang sina KD Estrada at Alexa Ilacad, pero sa klase ng regalo ni JD sa dalaga, parang pumapag-ibig.
Dalawang alahas ang natanggap ni Alexa mula kay KD noong birthday niya. Una, ang promise ring at ang ikalawa naman ay ang necklace na may pendant na puso.
Ayon kay KD, ang promise ring ay ang ang unang luxury ring na ibinigay sa kanya ng kanyang ina noong 15 years old siya. Medyo malaki raw ang size nito kay Alexa pero bagay sa kanya kaya ibinigay niya ito sa dalaga.
Aminado naman si Alexa na nalilito siya kung bakit siya binigyan ni KD suddenly ng sentimental ring. Sabi raw naman ni KD, ‘Wala lang.’ Pero kung babawiin daw ito sa kanya, ibabalik naman niya.
“Alam ko kasing special yon, nahihiya talaga akong tanggapin,” ani Alexa.
Mahal talaga yung singsing dahil isa itong Cartier Love ring na nagkakahalaga ng aroung USD1,950 o PHP103,000 tapos sasabihin ni KD, wala lang?
Yung second gift, ibinigay naman ni KD kay Alexa noong February 26, 2022 para sa kanyang 22nd birthday.
Matapos ibigay kay Alexa ang regalo, sinabi ni KD na, “I want to give it to you because we have a concert… Since it’s a heart, it’s like I am giving you my heart. I’m so proud of you, all your achievements. I know you’ll go really far, and I want to reassure you that you are beautiful, talented, and never doubt yourself about that. I’ll always be there to tell you that.”
Ang presyo ng necklace na may heart pendant? Halos one hundred thousand persos lang naman. Sasabihin kaya niya, wala lang din? KNMartin