MGA RESIDENTE NG GENSAN INAYUDAHAN NI BONG GO

BONG GO

Inayudahan ni Sen.Bong Go ang mga residente ng Barangay Ligaya sa General Santos City na patuloy na nakararanas ng paghihirap dahil sa pandemya.

Sinimulan ng opisina ni Go ang pamimigay ng relief goods noong Dis­yembre 12 hanggang 13 na kung saan ay nakatanggap ang nasa 322 residente ng nasabing barangay ng snacks at face mask na isinagawa sa Barangay Ligaya Gym at Francisco Oringo Elementary School.

Bukod dito ay namigay rin ang Team Go ng mga pares ng sapatos, computer tablets at bicycles sa ilang residente rito.

Upang lalong matulungan ang mga residente ng kanilang pang-araw araw na pangangailangan ay namigay ng financial assistance ang Department of Social Welfare and Development habang binigyan  naman ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng scholarship grants ang kuwalipikadong indibidwal.

Samantala, ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) ay nagbigay rin ng livelihood support sa mga kuwalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng  iba’t ibang assistance programs.

Siniguro ni Go na ang gobyerno ay patuloy na palalawigin at palalakasin ang national vaccination drive upang naprotekta­han ang mga residente sa ­COVID-19.

“Kapag nasa priority list kayo, magpabakuna na kayo. Huwag kayong matakot dito dahil ito ang susi para makabalik na tayo sa normal natin na pamumuhay,” pagbibigay diin ng senador.