MGA RESIDENTE NG PEACE RALLY VS NPA

CAGAYAN- TINATAYANG mahigit sa dalawang daang residente ng Barangay Bural, Rizal sa lalawigang ito ang nagkakaisa na magsagawa ng Peace Rally laban sa insurhensiya ng mga makakaliwang kilusan.

Ayon kay Lt. Llyod Orbeta, tagapagsalita ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army, kabilang sa mahigit sa dalawang daang mga residente na nagsagawa ng rally ay ang mga sektor na binubuo ng mga dating rebeldeng grupo gaya ng magsasaka, kababaihan at mga kabataang tumutuligsa sa mga makakaliwang kilusan kabilang din ang mga barangay opisyal.

Kasabay nito, sinunog ng mga nag-rally ang bandila ng NPA at tinuligsa ang kanilang karahasan at panlilinlang.

Bitbit ng mga nagsagawa ng nasabing rally ang placards at panunumpa ng katapatan at buong pagkakaisa na ipinakita ng mga ito na ayaw na nila ang presensya ng rebeldeng grupo o NPA sa kanilang lugar.

Kasama sa isinagawang peace rally ng mga residente ng mga karatig na barangay katulad ng Barangay San Juan at Barangay Masi sa bayan ng Rizal, Caga­yan. IRENE GONZALES

Comments are closed.