MATAPOS na makumpleto ang multi-milyong halaga ng river wall ay tiniyak ng Department of Public Works and Highways na hindi na babahain ang mga residenteng malapit sa Tullahan River sa SSS Village, Barangay North Fairview, Quezon City.
Tiniyak ni DPWH-National Capital Region (NCR) Director Melvin Navarro, na ang bagong gawang revetment wall na may sukat na 9 metro, ay magsisilbing protective barrier sa pagbaha. Ginugulan ang proyekto ng P46.5 milyon sa ilalim ng 2018 General Appropriations Act (GAA).
Ang 461-lineal meter structure ay ginawa sa ilalim ng Rehabilitation and Improvement ng Tullahan River Phase II na ipinalit sa lumang riprap na nagsilbing depensa laban sa agos ng ilog lalo na kapag panahon ng tag-ulan.
“With the taller and sturdier concrete revetment along Tullahan River, residents near the area are assured that the inundation of flooding and soil erosion along the river banks will be avoided in case of heavy rains preventing damages of properties and loss of lives,” pahayag ni Navarro.
Comments are closed.