MGA RETAILER MAS KUMIKITA SA INANGKAT NA NFA RICE

NFA RICE

IKINATUWA ng mga accredited retailer ng National Food Authority (NFA) na mas kumikita sila sa bagong inangkat na bigas mula sa Thailand dahil sa magandang kalidad ng butil ng bigas nito.

“Ito, ‘yung 50 bags, kaya ubusin ng isang araw. Sa P100 ‘di ba may P5,000 ka. Ang kita mo sa commercial, wala pang isang libo,” pahayag ng isang rice retailer sa isang panayam.

Ayon sa mga consumer, sulit ang presyo ng huling supply ng NFA rice dahil wala rin itong amoy.

“Mura kasi at saka maganda at saka walang amoy,” pahayag ng isa pang retailer.

“Ang iba pa durog, pero ito walang amoy. Okay siya talaga,” pansin ng ibang retailer.

Bumili nitong nakaraang buwan ang Filipinas ng dagdag na 250,000 metrikong tone­lada ng bigas—30,000 MT mula sa Vietnam, ang balanseng 120,000 MT mula sa Thailand.

Naunang sinabi ng NFA na ang dagdag na inangkat ay darating sa Filipinas sa katapusan ng Mayo, at maaayos ang presyo pagpasok ng Hunyo.

Sinabi naman ng NFA na ang delivery ay nabimbin dahil sa masamang panahon dala ng Bagyong Domeng.

Nagbabala naman ang mga retailer na ang mga nagbebenta ng NFA rice bilang commercial rice ay matatanggal sa listahan ng accredited retailers ng gobyerno.

“Kung mahuli sila na magrere-bag o nagda-divert … automatic ‘yon—talagang cancellation ng accreditation,” lahad ni NFA Provincial Manager Arnel Alfonso.

Comments are closed.