MGA RETIRADONG SUNDALO AT PULIS UMALMA SA PANUKALANG “PENSION REFORMS”

ISANG linggo bago ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, nagpahayag ng kanilang pagsalungat ang hanay ng mga retirado at mga pensyonadong sundalo at pulis sa panukalang ‘Pension Reforms” ni Finance Secretary Benjamin Diokno.

Bagaman’t inihayag ng ilang aktibong opisyal ng pulis at militar na susuportahan nila ang nasabing panukala dahil sa umano’y posibleng fiscal collapse dahil sa lumolobong bayarin sa pension ng mga retired Military and Police Uniforms Personnel (MUP)

Ayon kay Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines: “The issue on the pension system is for our legislators to work on. The AFP will support and cooperate to consultations that may be called by higher authorities or lawmakers to discuss it.”

Isang senior military officer naman ang nagsabing posibleng may mga aangal sa nasabing panukala ni Sec. Diokno lalo na sa mga mabababang ranggo dahil maliit ang kanilang basic pay siyempre maliit din ang kanilang pension.

Kumpara sa mga mataas ang ranggo na magreretiro pa lamang dahil mataas ang kanilang mga base pay at malaki rin ang kanilang sinahod nang sila ay nasa mga serbisyo pa.

Ayon sa ilang kasapi ng Police Retirees Association Inc. (PRAI), “We kindly appeal not to equate the JOBs of the MEN IN UNIFORM with that of the other GOVT employees, (with due respect to them) BAKA NAKAKALIMUTAN NINYO na ang PUHUNAN ng mga MEN IN UNIFORM, SA PANLILINGKOD SA TAONG BAYAN at sa Bansa Ay ang KANILANG BUHAY.”

Ayon sa grupo, trabaho ni Sec Diokno bilang siyang may hawak ng finance portfolio na gawan ng paraan at hanapan ng mapagkukunan ng pondo para mabayaran ng tuloy tuloy ang pension ng mga retiradong MUP na naayon sa pinagtibay na batas.

“Are you not aware of the fact that the monthly pension of all 137,649 retirees combined is just a tiny slice of the pie compared to the pork barrel of the politicians in the Senate and Congress, Intelligence Funds of non-intel outfit but having not so intelligent brain, including the millions of pesos you and your equally high profile executives in government are receiving? Not to mention the perks and allowances you are privileged to enjoy etcetera?” ayon sa isang Facebook comment hinggil sa isyu.

Inalmahan din ng ilang retirado ang umano’y ridiculous na pahayag ng kalihim hinggil sa matagal na panahong babayaran ang pensioners dahil karamihan sa mga ito ay posibleng umabot ng 90 anyos ang edad.

Hindi naman siguro bulag ang ating mga pulis, mga sundalo at ating mga mamamayan para hindi nila makita ang likas na yaman ng ating bansa, ang pera ng mga mamamayan na inaabuso ng mga ilang corrupt na pulitiko?

“Ang totoo n’yan ayaw mo lang talaga na maisama kami sa Indexation ng mga active personnel”. Noon mo pa yan ‘tinitigasan’ panahon pa ni PNoy. Hindi ka lang umubra kay Duterte kasi mas siga yun kaysa sa iyo. Tapos ngayon binuhay mo na naman ulit.”

Nabatid na pinangangambahan ng mga retirado na muling buhayin o i-refile sa Kongreso ang dalawang panukalang batas na na-archive sa 18th Congress dahil kinapos ng panahaon na kapwa nagsusulong ng suspension ng indexation provision ng pension mula sa sahod ng mga active MUP.

Naniniwala ang mga retiradong pulis at sundalo na plano ng Finance department na huwag silang maisama sa Indexation ang mga active personnel. VERLIN RUIZ