MGA SAGABAL SA KALSADA DAHILAN NG TRAPIK

MMDA CLEARING OPS

ITINUTURING na ang dahilan ng trapiko at pagsisikip ng mga kalsada sa mga pangunahing lansangan ay dahil sa mga illegal vendor at mga nakaparadang sasakyan sa mga kalsada.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na linisin ang mga kalsada sa mga sagabal sa kalye na siyang nagiging dahilan ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Ayon sa pag-aaral, ang tila hindi na masolusyunang trapik sa Metro Manila, araw araw ay tinatayang mahigit P3 bilyon ang nawawalang kita sa Filipinas dahil sa problema ng trapiko.

Isang halimbawa ng nagpapasikip ng daloy ng mga sasakyan partikular sa Guadalupe, Makati City ang mga nakaparadang sasakyan, naglipanang mga illegal vendor at maging solvent boys sa EDSA sa gilid ng mga kalye nito.

Malaking hamon ito kay MMDA Chairman Danilo Lim na linisin ang nasabing lugar upang mapaluwang ang trapiko sa Metro Manila.

Samantala, kaugnay nito nabatid sa source na malaki rin umano ang papel ng Makati Police para malinis ang mga sagabal sa kalye sa Guadalupe sa pamumuno ni Makati Police chief  Senior Supt. Rogelio Simon  para  mapaluwag ang mga kalye sa ilegal vendor at nakaparadang sasakyan.

Kaugnay nito malaki din umano ang papel ng Makati Public Safety Department ng Makati City na mas kilala sa MAPSA na pinamumunuan ng hepe nito na si Enrico Bautista para malinis ang naturang lugar sa trapik at illegal vendor.      AIMEE ANOC