Heat exhaustion at heat stroke ang mga medical emergencies na nasa kategorya nghyperthermia. Ang taong may hyperthermia ay makararanas ng pananakit ng ulo, pagkahilo, disorientation, pwedeng mawalan ng malay, pagpapawisan ng matindi, at magkakaroon ng cramps. Sakaling may mga sintomas na nito, manatili na lamang sa bahay o magtungonagad sa ospital upang makasiguro ng kaligtasan.
Ngunit hindi lamang hyperthermia Ang sakit na dapat iwasan kapag tag-araw. Common summer illnesses din ang kagat ng lamok na pwedeng maging sanhi ng dengue.
Isa pa ang food poisoning. Madali kasing masira ang pagkain pag sobrang mainit ang panahon. Please lang, pag medyo maasim na, wag na kainin. Nakatipid ka nga sa ulam, gumastos ka naman ng malaki sa gamot.
Kung mahilig ka namang lumangoy, ingatan mo Ang sarili sa wwimmer’s ear, isang klase ng impeksyon sa outer ear canal, na dumaraan mula eardrum hanggang sa labas ng tenga. Sa Tagalog, Ang tawag dito ay luga. Honestly mabaho ito kaya iniiwasan ng sino man ang may luga. Ew! Kadiri kasi.
Magkakaroon ng luga kapag may natirang tubig sa loob ng tenga. Kung hindi ito maaalisbagad, magkakaroon ng bacteria wt syempre, maipeksyon.
Isa pang sakit na dapat ingatan ay enterovirus. Kasama sa mga enterovirus infections ang poliomyelitis, Bornholm disease (epidemic myalgia), myopericarditis, hemorrhagic conjunctivitis, nonspecific febrile illnesses, pneumonia, aseptic meningitis, herpangina, enteroviral vesicular stomatitis (hand, foot, and mouth disease), encephalitis, acute flaccid paralysis. In layman’s words, polio, pulmunya kapag laging natutuyuan ng pawis, sipon, pagsusugat ng bibig, para at kamay, at marami pang iba. Mga simple at madaling gamuting sakit ngunit kapag napabayaan ay maaaring maging banta sa buhay. NLVN