(Mga salarin nagtago sa maisan) TSERMAN NIRATRAT HABANG LULAN NG VAN

patay

ISABELA – DEAD on the spot ang isang punong barangay sa bayan ng Santo Tomas nang  tambangan ito ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan noong  Miyerkoles ng gabi.

Sa report ng Isabela PPO, nakilala ang biktima na si Barangay Bubog Chairman Manuel Ramento, 40-anyos.

Ayon kay P/Capt. Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, sakay si Ramento ng isang van nang pagbabarilin ng mga suspek sa bahagi ng Barangay Bagabag.

Bukod kay Ramento, nahagip din ng bala ang driver ng van na si Barangay Kagawad May Glenn Padre at dalawa pa nilang kasama, kabilang ang isang bata.

Lumabas sa pagsisiyasat na papauwi ng bahay si Ramento sakay ng isang van nang pagbabarilin pagsapit sa isang sabana kung saan nakakubli sa isang maisan ang mga suspek.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa motibo sa pananambang.

Nasugatan sa insidente ang driver ng van at dalawang iba pang sakay ng van kabilang ang isang anim na taong gulang na bata.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. VERLIN RUIZ

Comments are closed.