MGA SASAKYANG WALANG RFID NA TATAHAK SA EXPRESSWAY SA 2021 PAGMUMULTAHIN

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!

Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat, mga kapasada.

Sana, ligtas kayo sa pinsalang dulot ng pandemya sa nakaraang taon.

Gaya ng dati, ingat po tayo at igalang natin ang health protocols na ipinatutupad ng ating pamahalaan tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical social distancing. Huwag po tayong pasaway upang maiwasan na mahawaan ng virus.

​Sa isyu pong ito, ipararating ng Patnubay ng Drayber ang paglilinaw na ginawa ng Department of Transportation (DOTr) na walang ipapataw na multa sa mga sasakyang walang RFID sticker mula Disyembre 1, ngunit ito ay mangyayari lamang sa Christmas season.

Sa pagpasok ng taong 2021, ang mga motoristang papasok sa expressway ay tiyak na sisitahin pagdating sa RFID toll booth kung walang nakakabit na sticker at pagmumultahin.

​“It is important to note that the December 1, 2020 deadline is for the expressways and not for the motorists. Installation sites will still be up and running long past the deadline, ensuring that all motorists will get access to an RIFD sticker for their vehicle. These installation sites will still be positioned at entry point to all expressways and roadshows will still also happen to further add convenience,” paglilinaw ng DOTr.

MOTORCYCLE ENGINE MAINTENANCE TIPS

Ang wastong pagmamantine ng motorcycle engine ay susi sa pagkakaroon ng mahabang buhay ng gamit nito para sa anumang kapakanang kabutihan sa may-ari.

​Panatilihing nakatutok sa itinatadhana o payong nakapaloob sa manufacturer’s manual kung kalian dapat bigyan ng kalingang pangkabutihan ng engine ng motorcycle upang ito ay maging kasiya-siya sa inyong panlasang paggamit.

​Narito ang ilan sa mga payong kapaki-pakinabang para mapanatili ang mabuting kondisyon ng inyong MC.

MOTORCYCLE ENGINE OIL

Kailangang magpalit (change) ng langis kada anim na buwan o 3,000 miles na ang natakbo nito.

​Ang pangunahing function ng motorcycle engine oil ay para magsilbing lubricant. Ito ay nakatutulong upang mabawasan ang pagiging maingay ng engine at nagpapanatili ng iba pang engine part na maging malamig (cool) and is a seal for piston.

​The oil must be of a good consistently so that it may function properly.

Kung lubhang malapot ang langis, maaaring mahirapan ito na makapasok sa pagitan ng mahigpit o masikip na moving ng engine parts para mapadulas. Mahalaga na ang inyong gagamiting langis ay ayon sa nakatadhana sa manufacturer’s manual.

MOTORCYCLE FUEL

May mahalagang papel na ginagampanan ang uri ng gasolina na inyong ilalagay sa inyong motorcycle para maging mabuti ang operasyon ng makina.

​Dahil sa ilang kadahilanan ng pagpalya ng engine, kung minsan ay dulot ito ng ‘di wastong fuel na inyong isinalin sa makina kaya kung mababang uri, kailangang palitan ito ng higher grade na fuel.

Laging itanim sa isip na ang paggamit ng higher grade fuel for the sake of performance increase is not worth the effort. Performance and longevity ay hindi nadaragdagan sa kadahilanang octane increase.

Gumamit lamang ng gasolina na inirerekomenda ng manufacturers manual.

MOTORCYCLE FLUIDS

​Lubhang mahalaga na kung magpapalit ng langis ay ang gagamitin ay ang inirerekomenda ng manufacturer’s manual.

​Lalong mahalaga itong sundin kung ang inyong motorcycle ay sakop pa ng warranty.

​Ang paggamit ng maling langis, gaya ng paggamit ng automobile oils sa halip na yaong inirerekomenda ng manufaturer’s manual para sa buti ng motorcycle na inyongginagamit ay maaaring makaapekto sa warranty ng inyong motorcycle.

MOTORCYCLE CHAIN

​Tsikin ang chain (kadena) ng inyong MC kada 500-700 milyang natakbo kung hindi ninyo malimit gamitin ang inyong MC.

​Ang gamit (function) ng kadena ay upang maglipat ng power mula sa engine sa hulihang gulong (rear wheel).

​Kailangan ng kadena na malinis at mai-adjust ito depende sa iyong paggamit upang mapanatili ang ligtas na operasyon.

​Ang depektibong kadena ay maaaring makalikha ng malubhang malfunction sa iyong MC at maghantong sa rider ng serious injury.

MOTORCYCLE SPARK PLUGS

​Lubhang mahalaga ang spark plugs (buhiya) sa overall performance ng inyong MC.

​Lubhang mahalaga na bago ninyotanggalin ang spark plug, gumamit kayo ng compressed air to flow in the hole (butas) kung saan tinanggal ang spark plug.

​Layunin nito na matanggal ang dumi at debris mula sa butas upang walang mahulog na dumi sa engine kapag tinanggal ang buhiya.

MOTORCYCLE AIR FILTER

​Kung may bara ng dumi o alikabok ang air filter hindi makahihinga nang wasto ang engine ng inyong MC. Magreresulta ito sa pagkawala ng power at magkakaroon ng ‘di mabuti (sub-standard) performance ang iyong motorcycle.

Physically tanggalin ang air filter at tsikin kung mayroon itong bara.

​Kung matuklasan na ang air filter ay nasa bad condition, palitan ito sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang anumang magiging end result nito at ‘di na madamay ang iba pang mahahalagang piyesa ng inyong MC.

PAGMAMANEHO SA GABI

Malaki ang kaibahan ng pagmamaneho sa gabi sa pagmamaneho sa araw. Unang-una, kadalasa’y pagod na tayo at inaantok – maliban na lamang kung talagang panggabingdrayber tayo. Maaaring nanghihina na tayo, wala nang ganang magpatakbo ng sasakyan o nagmamadali nang makapagpahintga.

​Pangalawa, hindi kaagad-agad nag-a-adjust ang mga mata matapos masanay sa liwanag ng maghapon.

Maaaring hindi natin kaagad mapuna ang taong tumatawid o ang siklistang bigla-bigla na lamang sumusulpot o ang lasenggong pasuray-suray sa gitna ng kalye.

​Pangatlo, hindi lamang tayo ang pagod at naninibago sa dilim. Ang ibang drayber, ang mga naglalakad, maaaring ang pulis din at pati na ang mga pasahero ay malamang na tulad nating wala sa kondisyong makapag-ingat.

Pang-apat, nakakasilaw ang mga ilaw sa lansangan, kasama na ang mga neon signs sa mga building at signal lights ng iba panfmg mga sasakyan.

​Kaya kasama sa katuruan ng defensive driving, INGAT LANG SA PAGMAMANEHO SA GABI.

​LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.

​HAPPY MOTORING. STAY SAFE

EVERYDAY!

Comments are closed.